Bakit Hindi Dapat Pigilan ang Mga Kabataan Maging Lider|My Views

"Kabataan ang Siyang Pag-asa ng Bayan”

-Jose P. Rizal

Dapat ang magiging lider o pinuno ay may sapat na karanasan pagdating sa pamumuno at pagdedesisyon, may kaalaman sa bawat maaaring maging solusyon sa mga problema sa isang samahan o grupo na kanyang pinamumunuan, gayunpaman ang lider na ito ay magiging isang magaling at matalinong pinuno ngunit paano kung ang lider na ito ay batang-bata at walang sapat na kaalaman at karanasan pagdating sa pamumuno. Tama ba na tanggapin parin na kahit hindi sapat siya upang maging pinuno ng grupo?

This photo was taken at Batang Hills, Tulunan, Cotabato. February 14, 2021

Para sa akin ang pagiging magaling na pinuno ay hindi nakasalalay sa edad, estado sa buhay o maging sa karanasan, ang unang dapat na isaalang-alang na karakter ng isang pinuno ay ang pagiging responsable at pinapahalagahan ang pagiging pinuno. Yan ang dapat na unang gagawin ng isang pinuno dahil ang ibang gawain o ibang ugali na tataglayin ay susunod na lamang pagkatapos ng dalawang unang nabanggit.

Ang pagiging magaling na pinuno sa kahit anong samahan ay hindi madali kailangan matibay ang loob at taenga. Matibay dapat ang loob dahil madali tayong lunurin ng ating emosyon, sa isang parti maaaring gawing pagsubok ito sa iyong kakayahan bilang pinuno, at matibay na taenga para doon sa mga walang ginawa kundi ang bantayan ang galaw ng kapwa tao, tibayan lang ang taenga sa pakikinig lalo na sa mga seminars.

Ihanda rin ang sarili sa mga kapwa pinuno na may mga personal na interes na maaaring magiging kasiraan sa hangaring maglingkod.

Hindi hadlang ang pagiging bata sa pagiging pinuno.

Comments

Popular Posts